Biyernes, Pebrero 24, 2017

Dulot ng Kabagalan


Ang mga larawan sa kaliwa ay ang mga lugarng sinisira ng pagmimina, dakbayan ng Toledo, Cebu at Manila. Pareho ay nasa ilalim ng Chamber Mining of the Philippines. Matagal-tagal narin ang mga gawaing ito sa iba't ibang lungsod ng Pilipinas kaya't malaki na ang pinsalang dulot nito. Hindi ito inaksyonan agad sapagkat matagal at mabagal ang proseso ng pamahalaang Pilipinas.

Maraming batas ang nakabinbin pa sa Kongreso hanggang ngayon. Iba sa mga ito ay mahalaga tulad ng Forest Resources Bill na naglalayon na bigyang proteksiyon ang natitirang kagubatan sa Pilipinas tulad ng mga kagubatan sa lunsod ng Cebu at Manila. Sa katagal-tagal ng proseso ay nabigyan ng maraming panahon ang Chamber Mining of the Philippines na palawakin ang pagmimina. Dulot nito ay puro kapighatian sa mga taong naninirahan dito.
Ang larawan sa kanang bahagi ang mga taong nagproprotesta laban sa Chamber Mining of the Philippines. Sila ay naninirahan sa gilid at malapit sa minahan. Karamihan sa kanila ay nagkakasakit dahilan sa mga kemikal ng pagmimina. Layunin nilang ipatigil sapagkat laganap na ang masamang dulot nito. Sila ay nagwagi sapagkat si Gina Lopez ng Department of Environment and Natural Resources ay naghain ng kaso laban sa Chamber Mining of the Philippines na sinangayunan ni Pres. Rodrigo Duterte ngayong 2017.


                                                                             

Malaking kagalakan ng mga mamamayan na napahinto ang pagmimina. Subalit ang nakalipas na gawain ay nagbigay ng peklat sa kagubatan ng Pilipinas. Maraming mga hayop ang nawalan ng tahanan at maraming mga iba't ibang klasi ng halaman ang nawala. Lahat ng ito ay dulot ng kabagalan sa sistema ng gobyerno. Kabagalan sa pagdedesisyon sa pagtugon ng kung ano ang ikakaayos ng mamayanan lalo na't sa inang bayan

Katarungan para sa Mahihirap

                                                       (biktima ng Extrajudicial Killings)

Marami ng mga kababayan natin ang kinukunan ng karapatan katulad ng taong nakahandusay sa lalarawan na di umano ay isang drug lord. Isa siya sa mga taong hindi nakarating sa korte para maprotektahan man lamang ang pangalan. Napagbintangan siya at pinatay ng mga di nakikilalang suspek at hanggang ngayon ay hindi nakakuha ng hustisya ang pamilya ng biktima. Ayon kay Michael Bueza (2017), mahigit sa pitong libong (7,000) katao na ang nabibilang na namatay ngayong ika-31 ng Enero 2017 sa ilalim ng mga lehitimong police operations at kamay ng mga vegilante dahil sa tinatawag na extrajudicial killing . Ito ay ang proseso ng pagpatay ng mga nakikilalang kriminal na hindi dumadaan sa korte at lehitimong imbestigasyon. Ang panukalang ito ay sinimulan ng presidente natin ngayon, Pres. Rodrigo Duterte.

                                                                      (Si Hope Swan)

Katulad ng bilang ng mga namatay, marami narin ang nakisimpatiya sa mga bikitima. Karamihan ay ginamit ang social media upang maihatid ang kanilang perspektibo at hinanakit sa naturang kaganapan katulad ni Hope Swan na isang Facebook user na nanguna sa galawang #CardBoardJustice, ito ay patuloy na lumaganap hanggang sa kasalukuyan sa social media. Higit sa kanila ay nagagalit sa kawalang respeto sa kapwa. Kinukunan ng karapatan ang mga tao lalo na ang mga kapus palad. Ayon sa kumakalat na balita sa telebisyon, mahigit sa biktima ng Extrajudicial killing ay mahihirap. Ito ay sa kadahilanang wala silang gaanong kayamanan upang ipaglaban sa umaakusa sa kanila. Ni hindi rin nila kayang makabayad ng isang mahusay na abogado kaya't sila ay madaling dinidispatsiya ng mga mas nakakataas sa kanila.

Sa kasalukuyang panahon, tumataas ng tumataas ang bilang ng mga krimen at pangaalipusta sa mga kapwa tao. Ang pangunahing rason ay pera at kayamanan na kumakain sa dignidad at moralidad ng mga tao, maparelihiyoso man o hindi. Walang pinipili ang temptasiyon. Gaya ng tinuturo ng simbahang Katoliko, ang kasakiman ng tao ang magdudulot sa kaniyang gumawa ng desisiyong ikasisisi o ikapapahamak niya. Isa itong babala sa ating huwag magpadala sa hinanakit at galit. Sasakyan tayo nito hanggang sa tayo ay makakasala katulad ni Kabesang Tales na isa sa mga karakter ng El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal na lumabag sa kautusan ng Diyos upang bigyang hustisya ang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya na kinunan ng karapatan hanggang sila ay lumuhod sa pighati.